Saturday, June 21, 2014

Ang Kagandahan ng Puerto Galera mindoro

 Ang simpleng kagandahan ng lugar na ito kung saan nakabighani sa mga dayuhan na nais puntahan at tirhan ang Mindoro.Sa kanyang angking kagandahan makikita ang simple at malinis nitong
 kapaligiran.Ang kanyang nakakabighaning silangan at kanluran kung saan sumisikat at lumulubog ang araw ay hindi mapapalagpas na pagmasdan ..
 
Sa lugar na ito hindi ko maalis na mapuri ang aking ganda.Kagaya rin ng mga kababaihang may kanya kanyang angking kagandahan.

Sa bawat araw na nagdadaan ay hindi nauubos ang aking nakikita ,bawat lugar ay may kanya kanyang kagandahan ipinakikita.
 Ang karagatan ay kulay bughaw kagaya ng kalangitan.Napakalinis,napakasarap languyin at sisidin .

 At ang simoy ng hangin ay napakasarap langhapin kasabay ng agos ng karagatan
Ang kanyang puting buhangin ay nakatutuwang pagmasdan.


 Mga Resort na magara at pahingahan .kakaibang kulay nito at magarang instraktura.

 mga bankang takaw tingin dahil sa kanyang ibat ibang kulay na nakadagdag sa kagandahan ng karagatan.




 Mga pagkaing masasarap at sariwa ,prutas at lamang dagat.Pagkaing Pinoy numero uno yan



Mga kabundukang nagtataasan at maberdena kung saan naninirahan ang mga ibon.


 isang lugar kung saan maipagmamalaki ko at maipakikita ko na may mga lugar na paraiso na maaring puntahan.

Isang karanasan na nais kong muling balikan.Dito sa aking Bansa kung saan ang kanyang likas na yaman at kagandahan ay hindi ko ipagpapalit saan man.